Into the Crossfire by Lisa Marie Rice

img_2063MSV Versions: Into the Crossfire by Lisa Marie Rice

Mas gusto ng dating Navy SEAL na si Sam Reston ang magisa. Mapanganib ang buhay niya, walang kasiguruhan, bayolente… at walang puwang para sa mga kaawa-awa at mahihina. Saka naman lumipat sa katabing opisina ang pinakamagandang babae sa mundo.

Komplikado na ang buhay ni Nicole Pearce na may amang may sakit at isang bagong negosyong kailangang alalahanin—at hindi niya kailangan ng isang malihim at makisig na kapitbahay na matigas ang ulo. Pero kinakapos siya ng hininga kay Sam—namimiltik ang katawan niya sa pagnanasa rito at kinakailangan niya ang lahat ng kontrol para mapigilang ialok ang sarili sa lalaki nang walang hinihinging kapalit. Ang hindi niya alam ay nasa isang undercover assignment si Sam… at mapupunta siya sa crossfire.

Wala pang inasam na babae si Sam na tulad ngayon, at hindi pa niya nararanasan ang magmahal. Ngayong nasa matinding panganib si Nicole, siya ang magiging panangga nito at ipagtatanggol niya ang nakatutukso nitong katawang pinananabikan niyang mahaplos at matikman. Dahil paparating sa kanila ang panganib na dala ng masamang balak ng mga terorista mula sa kabilang dulo ng mundo at kaya lamang iyong pigilan ng nag-iisang lalaki at nag-iisang babae.