Love in a New York Minute

Love in a New York Minute by Elise EstrellaLove in a New York Minute
Written: 2013
Released: October 2013

Sa loob-loob ni Mason ay may namumuong protective at possessive instinct para sa kanyang maganda, hot at mabangong housekeeper. Mali iyon, pero hindi niya mapigilan. At bakit niya kailangang pigilan, siya lang naman ang nakakaalam niyon?

Isa pa, hindi lang hot si Hannah, she was also sweet at alam niyang gusto na nito ang kanyang pamilya kahit sa sandaling pagkakasama nila. Noong una pa lang, gusto na niya ito.

Pero hindi siya naniniwala sa love at first sight. Wala namang na-i-in love nang ganoon kabilis. No one could fall in love in a New York minute. Especially not someone like him….

TRIVIA

* A New York minute is “an extremely short period of time.”

* Mason has two brothers who will both have their own books. Mark will also be featured in MSV’s Romancing the Globe imprint while Mikey is one of the heroes in my SEAL Team Sentinels series.

* I loved researching for this book because I would love to go to New York one day (and San Diego where Hannah is from).

* The Shake Shack, where Hannah and Mason went to eat was featured in the movie Something Borrowed (a movie based on Emily Giffin’s book of the same title) starring Colin Egglesfield and Ginnifer Goodwin.

* The peg for Mason’s cover is a real FDNY fire fighter featured in one of their calendars.

* The movie I Now Pronounce You Chuck and Larry was constantly in the background while I was writing this book. So thank you, Adam Sandler and Kevin James!

* The cupcakes featured in the book is from Crumbs Bakeshop.

Preview

Ikatlong araw na ni Hannah sa apartment ng mga McKendricks. Sa tuwing gigising siya, naiisip niya na mas maganda pa ang realidad niya kaysa sa panaginip.

Gaya ng dinadasal niya, hindi naging mahirap ang manilbihan para kina Mommy Regina at Jaime. Nahihiya nga siya dahil siya man ang naglilinis ng bahay, si Mommy naman ang nagluluto para sa kanya. Donyang-donya ang lagay niya, considering chimay naman talaga siya ng mga ito. Kaya dalawang araw na rin siyang nakikipag-unahan sa matanda na gumising para siya naman na ang magluto ng almusal para sa kanilang lahat.

Sumasabay ang kembot ng kanyang mga balakang sa masiglang tinig ni Lady Gaga mula sa iPod niya na nakapatong sa kitchen counter. Sandali na lang at maluluto na ang unang batch ng pancakes kaya masusi niya iyong binabantayan habang nagmo-morning exercise.

Sabi ni Mommy, tapos na raw ang two-day shift ni Sir Mason ngayong araw at umaga uuwi ang kanyang amo. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Dahil ba iyon ang unang araw na makakasama niya ang lalaki sa bahay nang buong araw? Baka ma-conscious siya sa paglilinis.

Patuloy siyang gumiling nang marating ni Lady Gaga ang chorus ng kanta nito at sinabayan pa ito ni Hannah habang pasayaw niyang inilipat ang pancakes sa serving plate at pinatay ang kalan. Umikot siya para dalhin sa mesa ang pinggan at muntik na siyang mapatili nang makita ang lalaking nakatayo, nakahalukipkip, nakasandal sa doorframe at nakangisi.

“Diyos ko, Sir!” pasigaw niyang sabi habang kinakabog ng isang palad ang puso. “Muntik na akong atakehin sa puso sa ’yo!”

Hindi nawala ang pilyong ngisi sa mga labi ni Mason. “Marunong akong mag-CPR,” sabi nito.

Napalunok si Hannah nang agad na sumagi sa kanyang isip na nakahiga siya sa sahig habang nakatungo sa kanya ang guwapong boss at marahang ibinababa ang ulo nito para paglapatin ang kanilang mga labi. Nagtungo siya sa mesa at ibinaba ang dalang serving plate.

“Nag-almusal na po ba kayo?” tanong na lang niya bago pa niya ito hamunin na gamitan nga siya ng life-saving techniques na alam nito. “Kumain na po kayo. Mayamaya po, babangon na si Mommy Regina at si Jaime.”

Binalingan niya ang lalaki na biglang naglipat ng tingin sa pagkaing nakahanda sa mesa. Pinag-aaralan ba siya nito? Doon niya naisip ang suot niya.

Habang naka-jeans, sneakers at kulay itim na FDNY T-shirt ang lalaki na hapit sa maskulado nitong balikat at mga braso, siya naman ay nakasuot ng maiksing shorts na pantulog, gray sweatshirt at nakayapak maliban sa pink na medyas.

“Ahm, kumain na kayo, Sir. Gagayak lang po ako.”

“Magbibihis na lang din muna ako. Sabayan mo na akong mag-almusal.”

Good Lord! “Lalamig po ang pagkain.”

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Mason. “Di bilisan mong magbihis.”

Tumango siya at nagmadali pabalik sa kanyang silid. Saglit siyang sumandal sa sarado niyang pinto. Bakit siya humihingal? Dahil nakita niya kung paano siya tingnan ng boss kahit pa mabilis nitong pinagtakpan ang init sa mga mata nito? Napakagat-labi ni Hannah bago kinikilig na ngumiti.

Sino ba naman ang hindi kikiligin? Hindi lang dahil sa mukhang attracted sa kanya ang lalaking may mukha at katawan ng isang diyos kundi dahil sa gentleman ito at sinubukang itago ang reaksyon nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Iba yata talaga kapag may dugong Pilipino, ano? Maginoo pa rin.

14 Responses to Love in a New York Minute

  1. Rozz says:

    Wafu. ❤

  2. Elise says:

    Ahihi wafu nga no? Galing-galing ni Jill!

  3. Rozz says:

    Sa thursday ko na makakapiling si Mason, este makakakuha pala ng kopya nia. ;p Eksaytid! 😀

  4. Elise says:

    Ahaha sana magustuhan mo si Mason! 😀 Mabango siya (anuraw?)

  5. Rozz says:

    Eeeeh. Mag-aamuyan muna kami bago ko siya basahin. ahihi x”>

  6. Elise says:

    hahaha sana galing sa malinis na parte ang book na makukuha mo! Baka iba ang amoy! Kakahiya XD

  7. Rozz says:

    haha kahit anong amoy nia ok lang. wag lang amoy-hadadi. xP

  8. Elise says:

    Amoy kebab :))

  9. Kat says:

    For a few minutes I thought that was a tattoo on his chest hehe.

  10. Elise says:

    hehe me too! Sakto kasi eh xD

  11. sarahestal says:

    Wait wait wait! Buti na lang pala nag open ako dito di ko alam na meron nito ?? OMG! At may sentinel series p ang isa sa mga brothers. Ayy ma hunting nga tong book na to bukas sa NBS montalban kelan po b ito nilabas sa mga store ms. Elise ?? :’)

  12. sarahestal says:

    Wait wait wait! Buti na lang pala nag open ako dito di ko alam na meron nito ?? OMG! At may sentinel series p ang isa sa mga brothers. Ayy ma hunting nga tong book na to bukas sa NBS montalban kelan po b ito nilabas sa mga store ms. Elise ?? :’) sana makakita ako agad bukas.

  13. Elise says:

    Last year siya nilabas hehe pero I think meron pa naman sa bookstores ^_^ Sentinel SEAL ‘yung bunso nila so nakapila pa lang siya hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s