Between the Moon and NYC

Between the Moon and NYC by Elise EstrellaBetween the Moon and NYC
Written: 2013
Released: 2014

Sa hitsura ng bago nilang kasamahan sa NYPD, sa tingin ni Mark, parang mas bagay na pre-school teacher si Abigail Lorenzana kaysa police detective. Hindi na siya nagtaka na ganoon na lang kung pag-usapan ito ng iba niyang katrabaho. At katapat ng sa kanya ang magiging opisina ng dalaga.

Bagaman masaya iyong may magandang babae siyang masisilayan tuwing papasok ng opisina, hindi nakikipagrelasyon si Mark sa mga katrabaho niya. It was a hard and fast personal rule.

But Abigail is just so tempting. At hindi siya santo para ipagtulakan palayo ang tukso na iyon…

Trivia

  • My official statement RE the title:

    Contrary to what’s implied on the cover of my book, I actually know how to properly use the article “the”.

  • This is Mark McKendrick’s book, and aside from the mini heart attack RE the grammatically incorrect title, I had a relapse at the cover photo. I didn’t give any visual pegs for Mark so that he turned out this gorgeous made me squeee!
  • ICYMI Mark is Mason McKendrick‘s older brother and is book 2 of my unofficial McKendrick trilogy.

Preview

“Hey, McKendrick, is that you?” tawag ng isang tinig mula sa pinto ng gym.

“Nah! It’s Ian Somerhalder,” sarkastiko niyang sagot. “Who else do you think would it be?”

Nakarinig siya ng tawa bago ang mga yabag ng kaibigang si Norman. Sa kanyang pheriperal vision, nakita niyang tumayo ito malapit sa kanya at humalukipkip.

“You watching my ass, Garrison?”

“It’s a tiny ass.”

He snorted at malakas na tumawa ang kaibigan.

“Hey,” ulit nito bago naupo sa bangko sa isang banda at sinimulang bendahan ang isang kamay. “Did you hear about the new detective Harris hired?”

“No. What new detective?”

Ikinuwento ng kaibigan ang tungkol sa bagong detective na magiging kapalit ng isa nilang kasamahan na nag-retiro ilang linggo pa lang ang nakalilipas.

“Heard he’s a good one. From SDPD.” San Diego Police Department. “Got here late because he was finishing a case or something. Captain says he’s young but smart. Some sort of tech geek and made detective really young.”

Isang tainga lamang ang ginamit ni Mark sa pakikinig habang patuloy ang pagsuntok niya sa bag. Boxer siya noong college pero ngayon, naisip niya na mag-aral ng ibang martial art. Marunong ng Muay Thai ang sumunod niyang kapatid na si Mason na bumbero sa FDNY. Ang bunso naman nilang si Mike na Navy SEAL, marunong ng Krav Maga. Magpaturo kaya siya?

Napahinto sila nang bigla muling bumukas ang pinto ng gym at humahangos na pumasok ang isa pa nilang kaibigang si Finn. Maliit ito, madaling ma-excite at siya ring pinakamalaking chismoso sa buong Midtown North Precinct kung saan sila nagtatrabaho.

“You will not believe this,” sabi ng lalaki. “You know the new detective Harris is bringing on?”

Nagsimulang bumaling si Mark sa punching bag, sawa na sa mga balita tungkol sa bagong detective. Kung makaasta ang mga kaibigan, parang hindi pa nakakakilala ng mga bagong salta sa istasyon nila.

“He’s not a ‘he’,” bulalas ni Finn. Napalingon si Mark sa lalaki. Doon siya nagkainteres. “He’s a—”

Parang sinadya na kasunod na pala ni Finn ang kanilang kapitan na si Captain Gregory Harris. At ang kasama nito ay hindi nga ‘he’, kundi isang ‘she’.

And ‘she’ didn’t look anything like what Mark had expected.

Hindi niya alam kung ano ang inaasahan niyang hitsura ng isang batang geek na babaeng detective pero hindi ito iyon.

Petite ang babae, balingkinitan ang katawan na hindi maitatago sa suot nitong itim na suit jacket sa ibabaw ng light pink na blusa at dress slacks. Doon mukha itong detective. Pero pagdating sa mukha, mukha itong anghel. Mukhang diyosa.

Mukhang diyosa ng mga anghel.

Maamo ang mukha nito at nangungusap ang bilugang mga matang kulay dark brown. Matangos at manipis na ilong na tila naka-tilt pataas ang dulo. Parang kaylambot ng mga labi nitong kulay rosas na makintab dala ng gloss. Iyon lang ang makeup nito. Itim na itim ang buhok nitong hanggang balikat na naka-half ponytail.

Kinailangan ni Mark na kumurap at mabilis na umiling para ma-control ang kakaibang init na gumapang sa kanyang sikmura. Gayunpaman, hindi pa rin humupa ang init. Hindi nabawasan ang interes.

Parang doon na lang nakatuon ang kanyang atensyon habang ipinapakilala rito ni Captain Harris ang kanyang mga kaibigan. Parang paslit na namula ang dambuhalang si Norman nang mahiyaing ngumiti rito ang babae habang malawak naman ang ngisi ni Finn habang tinatanggap ang kamay na inialok ng bagong saltang detective.

“And this is Detective Mark McKendrick,” sabi ni Captain Harris at siya naman ang binalingan ng babae. “Mark, Detective Abigail Lorenzana.”

Ngumiti ito at napansin niya ang paglitaw ng isang malalim na dimple sa kanan nitong pisngi. “A pleasure to meet you, Detective.”

Tinanggap ni Mark ang kamay na inilahad nito at tipid itong nginitian. “The pleasure is mine, Detective Lorenzana,” sabi niya. Malambot ang kamay nito, mainit ang balat at mahahaba ang mga daliri. He wanted to feel those fingers on his skin. Going on with his instinct, bigla siyang nagtanong. “Lorenzana,” aniya. “Are you Filipino?”

“Yes,” tawa nito. “I’m three-fourths Pinay.”

Lumawak ang ngiti niya. “I’m one-half Pinoy, one-fourth Irish, one-fourth American. Marunong kang mag-Tagalog?”

Muli itong tumawa at muli niyang nasilip ang dimple nito. “Opo.”

“Well, that’s great,” sabi ni Captain Harris. “Abigail’s going to be working at the office across yours, Mark. She’s going to be Filart’s new partner.” Binalingan nito si Abigail. “If you need anything, you can also ask McKendrick over here. He knows everything. You ready to go on with the rest of the tour?”

“Yes, Captain. Thank you.” Tumango ito kay Mark. “It’s nice meeting you, Detective.”

“Likewise.”

Nanatiling nakatayo sina Mark, Norman at Finn sa loob ng gym, hindi kumikilos at pinanonood lang ang paglabas nina Captain Harris at Detective Abigail Lorenzana.

Nagpakawala ng isang mahabang sipol si Finn. “They don’t make detectives like that often,” pabulong nitong saad.

Si Mark ang unang tumalikod. Habang masarap ang may magandang babaeng masisilayan sa tuwing papasok siya ng opisina, hindi siya nakikipag-relasyon sa mga katrabaho niya. It was a hard and fast personal rule.

Hinawakan niya ang punching bag para hindi iyon gumalaw bago siya muling nagsimulang sumuntok nang mas malakas, mas mabilis. At hindi lang iyon dahil sa frustration niya sa trabaho, kundi dahil sa pagpaparamdam ng akala niya ay matagal na niyang tulog na katawan.

Advertisements

2 Responses to Between the Moon and NYC

  1. sarahestal says:

    Hayaan mo na yang “the” na yan miss elise sobrang gan the kaya ng story na to :’) nagustuhan ko din po sya kaya lang po medyo wla panh tym kaya isang beses ko pa lang sya nababasa :’)

  2. Elise says:

    hehe naipaliwanag na n’ung nag-proof kung bakit ganyan hehe naka-move on na ‘ko buwahaha thank you! Naku okay lang hehe salamat sa pagbabasa :”>

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s