Callanta Book 1: Inosenteng Puso

For my family, my first and biggest fans,
always and forever will I love you.
And to the “real” Nathan Callanta

Inosenteng Puso
Written: 2007
Released: January 2008

“Ayokong mag-asawa, pero gusto kong magkaanak.”

Nasamid si Nathan sa gulat nang marinig ang sinabi ni Bethany. Hindi nito marahil inisip na ang tulad niyang tila manang manamit ay may ganoon ka-liberal na plano sa buhay. “Bakit?”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Why not? I can be as good a provider as any man could be. Hindi porque nag-iisa ako, hindi ko na maaalagaan ang magiging baby ko. So okay lang sa ‘kin na maging sperm donor lang ang kung sino mang magiging ama ng baby ko.” Napansin niyang natahimik si Nathan nang ilang sandali. “What are you thinking?”

Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi ng binatang boss. “I’m thinking that if you really want a sperm donor… ako na lang.”

Muntik nang himatayin si Bethany sa narinig.

Trivia:

  • Its original title was Innocent Heart para English sana sila lahat kaso na-translate.
  • I found out it was going to be published one day before my 27th birthday. One of the best gifts ever.
  • Nathan’s is supposed to be the second book out which was why Nicko was already married in this story.

PREVIEW

Mabuti na lamang at hindi umiinom si Nathan kundi ay siguradong naibuga niya iyon sa sobrang gulat. “What?”

Si Bethany naman ang ngumiti nang nakakaloko. “Narinig mo ako,” turan nito. “Ayokong mag-asawa, pero magkakaanak ako within the next three years.”

Kinuha niya ang tasa ng kape at uminom mula roon. Nasamid siya at mabilis na ibinaba ang tasa habang umuubo. “Gusto mong maging single mom?” hirap na hirap niyang nasabi habang kinakabog ang dibdib.

Nakangising tumango si Bethany. “Within the next three years.”

Mataman niyang pinagmasdan ang dalagang kaharap. Conservative-looking, manang, parang magmamadre. Ikinagulat niya nang sobra ang sinabi nito. “Bakit ayaw mong mag-asawa?” Iyon na lang ang naisip niyang itanong.

Nagkibit-balikat si Bethany. “Pakiramdam ko lang, hindi ako ’yung tipo ng babaeng magkaka-boyfriend. I’m twenty-seven and I’ve never had one kasi masyado akong mapili.” Tumawa ito. “Hindi naman ako bitter. Choice ko naman ’yun. Hindi ko din sigurado kung capable akong magmahal na tulad ng ganoon… ’yung tipong ’till death do us part. Pero gusto ko ng baby para naman may legacy din ako, di ba?”

Muling sumipsip ng kape si Nathan. “Ako, I don’t want to get married either at gusto ko din ng anak. Pero iba iyon. Lalaki ako.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “That’s a very chauvinistic remark, Architect Callanta.”

“Is it? Sa tingin ko lang ay iyon ang totoo.”

Umiling si Bethany. “I can be as good a provider as you. Hindi porke babae ako, hindi ko na maaalagaan nang husto ang magiging baby ko. Hindi ako magpapabuntis kung alam kong hindi ko kayang gawin iyon. So okay lang sa ’kin na maging sperm donor na lang ang kung sinumang magiging ama ng baby ko.”

Natahimik si Nathan at bigla nahiya si Bethany. Ano ba naman kasing pumasok sa kukote niya at nasabi niya iyon sa boss niya? Good luck na lang sa kanya kung may trabaho pa siyang babalikan sa Lunes.

Tiningnan niya ito nang patago. Nakatingin lamang sa kanya si Nathan at napabuntong-hininga siya.

“What are you thinking?” she asked.

Sumilay ang marahang ngiti sa mga labi nito. “You really want to know?”

Tumango siya. Hinawakan naman nito ang kamay niya at tinitigan siya. Saka ito buong kaseryosohang nagsalita, “I’m thinking that if you really want a sperm donor, I’m volunteering.” Gulat na gulat si Bethany at pinag-isipan na tuloy ng lalaki kung dadalhin na ba siya sa ospital at mukhang na-stroke na siya. “O bakit?”

Pakiramdam niya ay ten thousand years na siyang nakatitig sa kaharap nang nakabuka ang bibig, pero hindi pa rin niya magawang magsalita. Nang matauhan, tumawa siya at sumandal sa kinauupuan. “Loko-loko ka talaga, Nathan.”

“Bakit naman? Hindi ba ’ko mukhang seryoso?”

Kinuha ni Bethany ang tasa ng kape at ininom ang laman niyon. Hindi niya namalayang napaso na pala siya. “Okay ka lang?” tanong niyang napapailing pa rin.

“Isipin mo nga. Sabi mo, you want to have a baby but you don’t want to get married. I want the same thing. Besides, if I’m going to have a baby, I might as well have it with someone I know, and actually, like.”

Napailing siyang muli. “Naloloko ka na talaga.” Iyon na lang ulit ang nasabi niya.

“Bethany, I’m serious.” Sa totoo lang, iyon din ang matagal na niyang iniisip. Ayaw talaga niyang mag-asawa. Ilang taon na rin siyang hindi nagkaka-girlfriend nang seryoso at thirty-two years old na siya. Pinapanood niya si Nicko at ang baby nito, at alam niyang naiinggit siya dahil may anak na ang kapatid niyang bunso habang siya ay wala pa ring direksyon ang personal na buhay. Kaya nga spoiled na spoiled sa kanya si Baby Josh.

Iyon din ang dahilan kung bakit sila nag-break ng long-time girlfriend niyang si Eula. Gusto nito ang magpakasal, pero ayaw magkaanak. Naging napakadali para kay Nathan ang makipag-break dito dahil magkaiba sila ng gusto.

Ngayong nandito si Bethany—isang maganda, matalino at mabait na babaeng masasabi niyang kaibigan na rin naman niya. Ito ang tipo ng babaeng praktikal. Alam ang gusto sa buhay at kung paano iyon kukunin. Hindi nito kailangan ng lalaking mag-aalaga rito dahil kaya nitong pangalagaan ang sarili. At dahil doon, hindi ito manghihingi kay Nathan ng mga bagay na hindi niya kayang ibigay tulad ng atensyon sa buong maghapon, lampas langit na pagmamahal at pangako ng habambuhay. Ayaw niya rin noon. At sigurado siya, magiging mabuti silang magkaibigan at magulang sa magiging anak nila, kahit hiwalay sila ng bahay na tinitirhan at hindi romantically involved. Bukod doon, may magmamana pa ng lahat ng paghihirapan niya.

Muling ginagap ni Nathan ang mga kamay ni Bethany at hinawakan iyon nang mahigpit. “Bethany, I’m really serious. I want to have a baby, matagal na. But I don’t want to get married. Kung totoo ang sinasabi mo sa ’kin, I want to make you an offer.”

“What offer?” nangangatal na tanong ng dalaga. Mukhang seryoso ang binata at kinakabahan siya.

“Bethany, I will give you five million pesos. Have my baby.”

Advertisements

9 Responses to Callanta Book 1: Inosenteng Puso

  1. minarose says:

    hi miss! can i still have a copy of the callanta brothers? pano poh? maraming salamat!

  2. minarose says:

    hi miss! can i still have a copy of the callanta brothers? pano poh? maraming salamat! i got the copy poh kasi nung kay nickollin way back in high school. my classmate borrowed it poh tapos she didn’t return it na. tapos poh we lost touch. di ko na din poh maremember non yung pen name niyo poh. kaya ayun. hehe. good thing nabasa ko poh yung kay doc oliver tas estudyante si baby boy callanta. ayun. nalaman poh namin na ikaw poh yung matagal na naming hinahanap na writer ng callanta brothers. :))) we’re really dying to have the copy poh. as in. super!

  3. minarose says:

    sana poh magkaroon pa kami. ayun. mula poh nung naconfirm namin yon, binibili na poh namin yung novels niyo. hehe. sobrang love poh talaga namin ni kapatid yung story ni nicollin. hehe. 🙂

  4. Elise says:

    Hello, Minarose! Matagal na kasi na-release ‘yung books na ‘yon so wala na talagang copies sa bookstores or kahit sa publisher ko 😦 Kahit ako wala nang extra copies no’n eh. Baka sa secondhand bookstores na lang or sa online sellers. Kung nag-o-online shopping kayo, I could try to look for booksellers na may copies pa. Just let me know 🙂 Thank you sa pagbasa ng books ko! Sana makahanap pa tayo ng copies 🙂

  5. mina says:

    ayyyy….. nakakasad. 😦 di poh ba nagrereprint yang special valentine?

  6. Elise says:

    Hi, Mina. Nag-re-reprint sila pero sobrang bihira saka depende sa dami ng requests din na natatanggap ng publisher, I think. So kailangan eh bonggang bongga sa dami ang mag-request para mag-reprint sila ehehe ganon.

  7. Geah says:

    i love this book promise. Akalain mong ang daming nang yari sa loob ng 96 pages ba yun (not sure). :). I love the line “Callangtang-callanta” . ♥

  8. Anna bagsa says:

    Ohh how i wish i had a copy ang cute, preview pa nga lang mganda e di lalo na ang full story hayy sayang….

  9. Elise Estrella says:

    Not a problem ^_^ Ni-reprint siya ng MSV hehe http://www.bookwarepublishing.com/shop/inosenteng-puso/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s