Alpha Squad Book 2: Target

Alpha Squad Book 2: Target by Elise EstrellaAlpha Squad Book 2: Target

Nagulat si Cressy nang makilala kung kanino siya magiging personal nurse. May sort of ‘tampo’ at inis siya kay Petty Officer First Class Mark Jethro Sanderson matapos nitong piliin ang mas maganda niyang kaibigan para siyang kumuha ng vitals nito noong tamaan ito ng bala sa likod ng hita.

Hindi siya ilusyonada pagdating sa hitsura niya, pero ikinasama ng kanyang loob na tinanggihan siya nito para sa kasamahan niyang may malalaking dibdib. Lalo pa’t may pinakatatago siyang crush sa binata.

At ngayong pansamantala itong bulag, responsibilidad niya ang lalaki. Parang gusto niya itong kalbuhin sa konsumisyon, pero marami palang perks ang pagiging nurse ni Jethro—kagaya ng pagsama rito sa banyo kapag kailangan nitong maligo….