Alpha Squad Book 1: Crossfire

60-alpha-squad-crossfireAlpha Squad Book 1: Crossfire

Hiniling ng kaibigan niyang si Julia na siya—si Genevieve—ang makipagpalitan ng email kay Lt. Colin James Torres gamit ang pangalan at mukha nito. Dahil dakila siyang doormat, hindi niya nakuhang makipag-argumento.

Sinulatan niya ang lalaki at naging magkaibigan sila hanggang sa napansin ni Genevieve na nahuhulog na ang loob niya sa binata. Matalino ito, mabait, maalalahanin, at nang makita niya ang pinadala nitong larawan, alam niyang may umikot na maliliit na puso sa tuktok ng kanyang ulo.

Pero kahit pa si Genevieve ang tumanggap ng email ng lalaki, hindi para sa kanya ang anumang atraksyong nararamdaman ni Colin. Para ang mga iyon sa kaibigan niya, na katulad ng binata, ay perpekto. Kung may dalawang tao na ginawa para sa isa’t isa, iyon ay sina Colin at Julia.