Beneath the Bridge of Sighs

Beneath the Bridge of Sighs by Elise EstrellaBeneath the Bridge of Sighs
Written: 2016
Released: June 2016

Yeah, he was pathetic. Siguro nga, matapos ang dalawang taon ng panliligaw, dapat nang sumuko si Nate. Pero hindi iyon maisip ng binata dahil mahal niya talaga si Brielle. Naniniwala naman siyang may tamang panahon ang lahat. Kung oras na para mag-move on, mararamdaman niya iyon. Pero habang mahal pa niya ang dalaga, sasamahan niya ito kahit pa maburo na siya sa friendzone.

Kaya walang tanung-tanong na sinamahan niya itong magbakasyon sa Venice. Pagkakataon iyon para iparamdam ni Nate sa dalaga na hindi nagbabago ang damdamin niya para rito at siguro, susubukan na rin niyang kumbinsihin si Brielle na para sila sa isa’t isa.

Advertisements