Hi, guys! Welcome back to my channel. HAHAHA feeling vlogger amput—
Si Ash pala ‘to, guest blogger ni Ate Elise. Kumusta na raw kayo? Miss na niya kayo. Miss ko na rin ako pero okay lang naman ako, Ate. Tenk yu.
Ah, si Ate Elise? Okay naman siya. Huwag daw kayo masyado mag-alala sa kanya. Alam n’yo naman si Ate. Minsan may pinagdaraanan kasi talaga siya at kailangan lang niya eh katahimikan, kapayapaan, hugs at potato chips. ‘Yun ang bumubuhay sa kanya ngayon. Padala kayo ng maraming virtual potato chips.
Sorry raw kasi hindi niya maharap ang Wattpad. Sabi ko ako na lang ang magkukuwento ng kuwento nina Kuya at Marlon kasi alam ko naman kung ano nangyari di ba? Ayaw naman niya. Actually, ayaw NILA lahat. Huwag daw ako makialam sabi ni Marlon. Ako na nga ang nagmagandang loob!
Kumusta na raw kayo sabi ni Ate. Sana safe daw kayo sa sakit at hindi matigas ang mga ulo n’yo na labas kayo nang labas kahit may quarantine. Except nga naman kung frontliners kayo, in which case, THANK YOU for your service. Mga bayani kayong tunay. Sana safe kayo at healthy, at sana ibigay sa inyo ng universe ang nararapat na reward ninyo gaya ng araw-araw na masarap na ulam.
Kaming pamilya at barkada? Okay lang kami kahit hiwa-hiwalay. Ako, si Mere at si Mace, dito kami kina Daddy Eman lumipat bago nag-lockdown. Si Kuya, inuwi ‘yung baby niya sa Makati. Si Marlon, nasa San Juan (wawa), kasi si Charles nasa kanila sa QC. Sa QC din sina Hank at Laura. Si Alessa, kasama ni Lester sa pamilya niya sa San Juan din. N’ung una pa lang na nabalitang may kaso ng COVID-19 sa BGC, lumipat na kami. Namiyenan na ako.
Okay naman kami. Si Mere ang may trabaho ngayon. Hindi naman siya pumapasok pero madalas may meetings siya. Hello raw. Si Mason, nag-celebrate siya ng second birthday niya sa bahay. Marami-rami kami rito kina Dad kasi nandito rin ‘yung pamilya nina Kuya Midel, nanay ni Kuya Armand, saka pamilya ni Kuya Randy. Maayos naman kami lahat. Walang may sakit saka bantay-sarado ang mga junior at senior citizens. Hello, Manang Thelms! Bawal kang lumabas hanggang next year!
Madalas kami lumabas ni Kuya Midel at ni Kuya Lex kasi nagdidstribute kami ng relief goods sa mga trabahador namin na puwede namin dalhan ng pagkain. Ngayon lang namin naramdaman ni Kuya Lex kung gaano karami sa mga trabahador namin ang inaanak namin ang mga anak kasi linggo-linggong kahon-kahon ng gatas at diapers ang binibili namin kay Ate Kaye. Tinanong na nga niya kami kung may mga anak ba kami sa labas na hindi niya alam. ‘Tapos nito pang buwan, birthday nina Mace at ni Kuya kaya may pa-spaghetti pa kami bawat relief pack ng mga trabahador. Dito nga lang sa malapit ang nabibigyan namin kaya may pa-voucher na lang kami d’un sa mga nasa malalayo. Sila na lang ang bumili sa pinakamalapit na branches ng grocery ni Ate ng kailangan nila.
Ang paborito ngayon ni Mace eh ‘yung pag-uwi namin ni Kuya Midel, nag-hihintay na siya na may hawak na hose ‘tapos bobombahan niya kaming dalawa ni Kuya Midel ng tubig habang nakatayo kami sa garden. Tuwang-tuwa si Mason kapag gan’un! Kaya di ko sigurado kung gusto niyang maging bumbero o hardinero na mahilig magdilig ng mga halaman. Kung mahilig siya magdilig, aba, eh di mana kay Papa! Ahahaha Pagkaligo namin ni Kuya Midel, saka lang kami puwedeng lumapit sa bahay. Kaya wala kaming naiuuwing sakit.
Okay lang din ang mga biyenan ko. Masaya si Mommy Marianne kasi maraming tao sa bahay kaya marami siyang naaalagaan. Si Daddy naman, siya lang siguro ‘yung makikita kong negosyante ngayon na nakakangiti pa. Wala pa kasing empleyado sa lahat ng sites ng Balajadia Industries ang nag-re-report na nagkasakit. Hindi pa raw niya iniisip ‘yung pagkalugi, sabi ni Dad. Basta raw kaya pa niya magpasahod ng mga empleyado, okay lang daw ang kompanya. Eh kaya talaga niya kasi may Employee Assistance Fund ang Balajadia Industries. May garantisadong sahod ang lahat ng mga empleyado up to three months kung sakaling may ganitong pangyayari (pandemic, giyera, natural disaster, alien invasion, end of the world…) na walang trabaho at hihinto ang ekonomiya. Kaya okay naman sila sa kompanya.
Gusto ko tuloy lumipat ulit sa kanila.
Joke lang.
Medyo.
Kami namang mga Montesines, si Ate Kaye lang ang may kita ngayon pero linggo-linggo kaming may grocery showcase galing sa kanya. Kami lang din ang puwedeng mang-hoard sa grocery niya myehehe pero kasi nga, binibigay naman namin sa mga trabahador. ‘Tapos mabait din talaga si Ate kasi marami siyang pa-discount ngayon.
Nagdala nga akong ID n’ung isang araw para bumili na naman ng gatas, bibigyan din ako ng discount! Natawa ako eh. Pinagamit ko na lang ‘yung discount ko para d’un sa tatay na sumunod sa ‘kin sa pila. Tuwang-tuwa nga eh. Anim daw kasi ‘yung anak niya. ‘Yung natipid niya, puwede daw niya ibili pa ulit ng gatas sa susunod.
Nand’un din silang lahat sa bahay, sina Mommy at Daddy, at ‘yung mga bata.
Si Ate Mari pala kasama ni Kuya Matt. Sa Coronado sila inabot ng lockdown.
Ang hirap ng buhay ngayon talaga. Nakakatakot na nakakalungkot na nakaka-iyak kapag makikita mo ‘yung mga kababayan natin na naghihirap at nagugutom.
Kaya nga sabi ko rin kay Ate Elise, huwag na muna siya mag-online masyado. Kasi kilala ko ‘yun. Kapag nagsimula ‘yun mag-alala, pati mga issue na dapat eh mayor na ang namomroblema, proproblemahin n’un. Eh ilang buwan pa naman na siyang malungkot bago pa nagkaroon ng pandemic. Sabi ko sa kanya alagaan muna niya ang sarili niya. Pero hindi ibig sabihin na hindi niya alam ang mga nangyayari. Huwag mo banggitin sa kanya na naniniwala ang gobyerno na may “flattening of the curve” kasi iinit ang ulo n’un.
Nagsusulat siya ngayon ng manuscripts para sa Bookware. Gusto raw kasi niya bumawi sa publisher niya, at na magsulat na walang pressure o expectations ng immediate feedback. Nai-Premium na niya ‘yung tatlong dapat eh last year pa niya natapos, ‘yung SuJu Lees niya. ‘Tapos naka-tatlo pang Premium books na rin siya, at malapit na niya matapos ‘yung pang-apat.
Nag-so-sorry siya ulit na hindi niya maharap ‘yung Wattpad. Inaatake daw kasi siya ng anxiety kapag iniisip niya. Saka lumalabas daw sa kuwento ‘yung mood niya kaya binubura niya lahat ng nasusulat niyang updates. Hindi raw kasi gan’un ang gusto niyang mood at tono ng mga kuwento. Sabi ko Sentinels na lang muna isulat niya, o kaya ‘yung pamilya nina Aaron. Para puwedeng magpasabog o kaya mangain ng kaluluwa. Kung ako lang, kahit naman ikuwento lang niya kung paano mag-CR si Kuya Lex, babasahin ko pa rin eh. Pero ayoko rin naman na hindi siya komportable habang nagsusulat kaya sabi ko, siya na ang bahala. Magsulat siya sa Wattpad kapag masaya na siya ulit magsulat sa Wattpad. Kapag wala nang kaba. Nahihiya rin kasi talaga siya na ngayon pa siya dumaan sa ganito, kung kailan mas maganda raw sana na nagsi-share siya ng kahit limang minuto lang na katatawanan sa isang update habang madilim ang mundo. Sabi ko okay sana ‘yun kung okay lang din siya. Kaya huwag na niya problemahin. Makakabalik din naman siya. At nand’un pa rin ako, naghihintay na may hawak na popcorn.
Gusto niya rin daw mag-thank you sa mga nag-me-message sa kanya, sa mga nagpapadala ng mga DM sa Twitter, at special mention daw kay Ayie at kay Tin na textmates niya pag nakakapagpa-load siya imbes na ubusin ‘yung dala niyang pera na pang-load sana sa egg pie. Kahit di raw siya nakaka-reply lagi, excited siya makatanggap ng texts ninyo kahit one-liners lang. Sa kanya, mahigpit na mahigpit na hugs na raw ‘yung mga messages na nagpapalakas sa kanya.
Gusto lang niya malampasan ‘to na alam ko namang kayang-kaya niya. May mga nalampasan na siyang mas malala pa.
So, ‘yun ang kuwento. ‘Yun ang pinagkakaabalahan namin ngayon. Sa susunod, baka si Kuya naman daw ang ipag-blog niya, sabi ni Ate. O si Marlon. O si Lester. Siyempre, sana ako ulit kasi ako ang peborit niya eh. Pero huwag mo sabihin kay Marlon kasi magtatampo ‘yung naglalakad na carpet na ‘yun.
A

Anyway, ingat kayo lagi. Huwag muna kayo lumabas kung hindi kailangan kahit pag i-lift na ang quarantine ah. Hindi porke wala nang quarantine eh ibig nang sabihin wala na ring COVID-19. Buti na ‘yung safe pa rin tayo. Huwag muna kayo lalapit sa ibang tao. Laging magsuot ng mask. Laging maghugas ng mga kamay at mag-alkohol at sanitizer. Kita-kita tayo sa new normal at sama-sama tayong mag-adjust.
Muli, sa mga frontliners natin, sa mga doktor, nurses, lahat ng health workers, hanggang sa guards at mga service masters ng mga ospital, sa mga pulis at mga sundalo, sa mga nagtatrabaho sa mga groceries at food industry, sa mga riders at drivers ng delivery services, sa mga garbage collectors, basta sa lahat ng mga nagtatrabaho sa kalagitnaan ng krisis na ‘to, maraming, maraming salamat.
Hanggang sa muli, mga bata! Ito po si Kuya Ash na nagsasabing ang batang makulit, kung saan-saan naiipit! And I… thank you! Paalam!
(Sana pala nagpatulong ako kay Alessa sa intro at outro. Iba na kapag influencer eh.)